Si Zozibini Tunzi ng South Africa ang kinoronahan bilang Miss Universe 2019 sa Atlanta, Georgia.
Tinalo niya ang 89 contestants at unang magsusuot ng Mouawad Crown.
“I grew up in a world where women who look like me – with my kind of skin and my kind of hair – were never considered to be beautiful. And I think that it is time, that it stops today.
I want children to look at me and see my face, and I want them to see their faces reflected in mine.” sey ni Tunzi sa kanyang closing statement bagong tanghaling winner.
Madison Anderson Berrios ng Puerto Rico ang first runner-up, samantalang si Sofia Aragon ng Mexico ang second runner-up.
Ito ang ikalawang beses na maiuuwi ng South Africa ang titulo, pagkatapos ni Demi-Leigh Nel-Peters noong 2017.
Hindi naman nakapasok ng Top 10 ang pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados, ang unang beses para sa Pilipinas simula noong 2010.