Sotto, Locsin kinawawa si Robredo

Leni RobredoMistulang pinagkaisahan nina Senate President Tito Sotto at Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin si Vice President Leni Robredo sa inilabas nitong report sa war on drugs ng gobyernong Duterte.

Kapwa naglabas ng reaksyon ang dalawang kaalyado ng administrasyon sa naging report ni VP Robredo na palpak ang giyera kontra iligal na droga dahil wala pang isang porsiyento ng illegal drugs ang nakukumpiska ng mga awtoridad.

“If I were her, I will kick out my advisers. They hang her out to dry by giving her false info. That’s the truth!” pang-uurot ni Sotto kay VP Robredo.

Ang pahayag ay ginawa naman ni Sotto bilang reaksyon sa tweet ni Foreign Affairs Sec. Teddyboy Locsin tungkol sa kung paano

nalaman ng Bise Presidente na ang 5,500 dead drug dealer ay isang porsiyento lang ng buong manufacturing, importing at marketing sales ng droga.

“How does she know that 5,500 dead drug dealers are precisely just 1 percent of the entire manufacturing, importing and marketing sales force? Only the cartels can have the exact figure. Hmmmmmm,” komento ni Locsin sa nauna namang statement ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Aaron Aquino na pamumulitika ang nilalaman ng report ng Bise Presidente matapos itong sibakin bilang opisyal ng Inter Agency Committee on Illegal Drugs.