Solenn pinanganak na si #BabyBolz

Sinalubong ni Solenn Heusaff at Nico Bolzico ang New Year sa pagsilang ng kanilang panganay na si Thylane Katana.

“Best way to welcome 2020. So in love with you Thylane Katana,” caption ni Solenn sa kanyang picture kasama si Nico habang siya ay nanganganak.

Inanunsiyo ng mag-asawa ang pagbubuntis ni Solenn noong August 2019.

Ito ang kanilang unang anak matapos ikasal noong 2016.