Solenn pinakita ang opera sa panganganak

Solenn CS scarNag-post ng picture si Solenn Heussaff ng kanyang bikini caesarean cut matapos ipanganak si Baby Thylane.

Ang nasabing picture ay para sa mga ina na nagtatanong sa kanya tungkol dito.

“For moms asking, my CS is bikini cut super low. Don’t feel numbness and feel okay to workout,”

Pinakita rin nito ang kanyang linea nigra o pregnancy line at tattoo na kanyang pinalagay noong 13 years old siya na kanyang pinagsisihan “but memories are there I love.”

Nanganak si Solenn kay Baby Thylane nitong New Year’s Day ngunit noong nakaraang linggo niya lang ito pinakita sa publiko.