Solenn gumanti kay Nico

Nagkaroon na ng chance ang artist na si Solenn Heussaff para i-prank ang kanyang asawa na si Nico Bolzico.

Sa video na pinost sa Instagram ni Nico, nagkunwari si Solenn na manganganak na habang nanunuod ng TV ang kanyang asawa.

Solenn Heussaff prank

“So I’m bored and it’s payback time for all the time Nico pranked me. He’s watching TV downstairs and I’m going to pretend my water broke,” sey ni Solenn sa nasabing prank video.

Noong nalaman ni Nico na prank lang ito, napaluhod na lamang siya habang nanghihina.

Caption ni Nico sa video, “I knew that one day @solenn was going to get her revenge for all the times I pranked her, but I never expected to be today, in our 37th week of pregnancy, our actual due date!”

“I am completely useless at times of emergency! Getting more prepared for when the actual day comes,” pag-amin pa niya.

Malapit nang manganak si Solenn at nasa kabuwanan na niya ito.