Annular solar eclipse PAGASA

Magaganap ang dalawang astronomical events sa Father’s Day, June 21, na isang rare phenomenon na mangyayari sa bansa.

Ito ang annular solar eclipse at summer solstice, ayon sa PAGASA. Ang annular eclipse ay nangyayare kapag ang araw, buwan at Earth ay naka-align, at ang buwan ay nasa pinakamalayo nitong distansya sa Earth.

Makikita ang eclipse sa buong bansa ngunit ang ‘obscuration’ o pagtakip ng buwan sa bahagi ng araw ay mas kita sa Itbayat, Batanes Magsisimula ang eclipse ng alas-tres hanggang alas-5:30 ng hapon.

Ang huling annular eclipse ay noong Dec. 26, 2019 ngunit nagpagmasdan lang sa southern part ng bansa.

Mararanasan din ang summer solstice sa June 21, kung saan mararanasan ang pinakamahabang araw at pinakamaikling gabi sa bansa.