Sofia Andres, BF may YouTube channel na

Isa sina Sofia Andres at boyfriend Daniel Miranda sa mga celebrities na nagsimula nang mag-vlog.

Inanunsiyo ng aktres sa Instagram na gagawa sila ng vlogs para sa fans.

Ang una nilang video na inupload nitong Miyerkoles ay question and answer segment.

“Are you excited? We’re both nervous about our first vlog & I hope you guys will like it. I know that you’ve been requesting for us to do Youtube but it took us forever to finally decide,” sey ng newbie mom sa IG.

Nitong June, ni-reveal ni Sophia na isa na siyang ina nang gumawa siya ng Father’s day greetings sa racer-boyfriend na si Daniel, na ama ni baby girl Zoey.