Social media ni Mocha Uson, tinanggal

Mocha Uson blogNagdiwang ang mga netizens lalo na ang mga galit kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) deputy administrator Mocha Uson matapos matanggal sa Facebook ang page ng kanyang blog.

Hindi na ma-searcgh ngayon ang Mocha Uson Blog sa Facebook na may mahigit limang milyong followers.

Pinaniniwalaang sinuspinde ang nasabing page dahil sa dami ng nag-report dito.

Naging panawagan ito ng anti-Mocha Uson sa Twitter para i-take down ang kanyang blog na may hashtag #MochaUsonIsOverParty, ang dahilan ng pagre-report ng netizens dahil sa hate speech umano nito kay Pasig Mayor Vico Sotto.