“So I Married An Anti-Fan” ni Sooyoung at Choi Tae Joon makakansela

Nanganganib makansela ang drama version ng “So I Married An Anti-Fan” na pinagbibidahan ni Girls’ Generation‘s Sooyoung, Choi Tae Joon, at 2PM‘s Chansung.

Ayon sa exclusive report ng Sports Donga, nahirapan umano ang production team na makahanap ng broadcasting company na mag-eere ng kanilang palabas.

Nagsimulang mag-shooting ang cast noong Agosto 2018 pa at kompleto na ang post-production nito ngunit mahigit isang taon na pero wala pa rin silang mahanap na TV channel na magpapalabas nito.

Ang dalawang male lead na sina Choi Tae Joon at Chansung ay tinatapos ang kanilang military requirement habang si Sooyung ay naghahanda sa susunod na drama nito sa OCN.