Pasok si San Miguel Corporation President Ramon Ang sa ‘Bloomberg 50.’
Si Ang ang kauna-unahang Pinoy na pumasok sa nasabing listahan.
Kasama ng SMC President sa listahan ay ang iba pang leader sa kani-kanilang larangan tulad nina celebrity influencer Rihanna, Disney international relations chairman Kevin Mayer at decorated gymnast Simone Biles.
Kinilala ng Bloomberg si Ang dahil sa nagawa nitong palawakin ang SMC na dating nasa linya lamang ng food and beer industry, sampung taon ang nakararaan.
Nadagdag sa negosyo ni Ang ay electricity, langis at mga construction firm at marami pang iba kabilang ang mga negosyong pinasok sa gobyerno.