Smart tinugunan ang demand sa data ngayong panahon ng lockdown

Smart mobile data ECQMANILA – Sinabi ng PLDT Inc nitong Martes na isinaayos nito ang kapasidad ng LTE ng mobile unit Smart upang matugunan ang mataas na demand ng mobile data dahil sa panahon ng CoVid-19 pandemic.

Ibabalik muli ng Smart ang itinalaga nitong 1800 MHz frequency sa 4G / LTE mula 2G.

Dinagdagan nito ang kapasidad ng network para sa mas mabilis na bandwidth, ayon sa pahayag ng PLDT.

Nagsimula ang reallocation sa rehiyon ng Visayas noong Abril 12 at magpapatuloy sa buong bansa sa susunod na 2 linggo, ayon nito.

“We are optimizing our network resources and using our frequencies in the most efficient way possible,” ayon kay PLDT-Smart Senior Vice President for Network Planning and Engineering Mario Tamayo.

Milyun-milyon sa Pilipinas ang kailangang manatili sa kanilang bahay habang ipinatutupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) hanggang Abril 30 upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.