First time ni Anne Curtis mag-guest sa cooking vlog ng kanyang asawa na si Erwan Heussaff kahit 10 years na silang magkarelasyon.
Sa episode na Erwan nitong February 2, kasama niya si Anne habang ginagawa ang paborito nitong avocado toast.
Revelation pa ni Anne, gusto nito na may lemon at chili flakes ang kanyang toast.
Pinost din ni Anne sa kanyang Instagram ang snippet ng kanyang guesting sa vlog ni Erwan.