Single na Pinoy, dumarami – PSA

Nagsimula noong 1990s ang Single’s Day (November 11) na celebration ng college students sa China bilang pangontra nito sa Valentine’s Day ng mayroong kasintahan.

Binibilhan ng mga single ng regalo ang kanilang mga sarili, hudyat ng pag-usbong ng 11.11 sale.

Sa Pilipinas, umabot na sa 34 million ang mga single.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority, 18.8 million na kalalakihan at 15.9 million na kababaihan ang single sa bansa.

Sa Metro Manila, ang Quezon City ang pinakamaraming single na humigit sa 1.1 million.

Ayon pa sa pag-aaral, maraming Pinoy ang pinipili ang pagiging single dahil mas inuuna nito ang career.