Singer Ronnie Liang sumali sa Phil. Army

Matapos maging certified piloto last year, isa na naman achievement ang nakamit ng singer na si Ronnie Liang.

Nitong Biyernes, grumaduate siya sa kanyang military training sa Armor ‘Pambato’ Division sa Tarlac.

Ronnie Liang Philippine Army

Tinake niya ang Mechanized Infantry Operations Training (MIOT) course na tungkol sa conventional at external threats.

Ang Marawi Seige ang nagtulak kay Ronnie maging army reservist.

Isa nang second lieutenant si Ronnie matapos ang kanyang graduation.