Sinampal ko si Marjorie — Claudine

Inamin ng aktres na si Claudine Barretto ang nangyaring pisikalan sa kanila ng kapatid na si Marjorie.

Kinumpirma ni Claudine sa panayam sa DZMM kagabi nagpang-abot at nagkasakitan sila ni Marjorie sa burol ng amang si Miguel sa Heritage Memorial Park sa Taguig noong gabing nakiramay si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagsimula umano ang sakitan dahil sa galit ni Marjorie nang makita si Gretchen sa lamay.
Nagkapikunan umano silang magkapatid dahil sa mga masasamang salitang lumalabas sa bibig ni Marjorie.

Kasama niya niya ang kaibigang si Tina Yan, kapatid ng namayapang si Rico Yan na nakiramay.

Magkatabi umano silang nakaupo sa isang sulok nang magsalita si Marjorie nang mga katagang “, ‘I’m not the one who goes to a psychiatrist. I’m not the one who’s crazy.’

“So, ako, tawa lang ako nang tawa. Ano yun, tinu-taunt mo lahat ng tao na may mental illness dahil lumabas ako na meron akong anxiety disorder? Di ba, tinu-taunt mo ako?” salaysay pa ni Claudine.

“Ayun na, sinampal ko siya. Sinampal ko siya talaga. Nagsabunutan kami. Kasi, di ba, huwag mo akong gaganyan-ganyanin. Instant reaction ko yun, e,” pag-amin ni Claudine.

Lumaban umano siya dahil ayaw niyang makita ng mga anak nyang binabastos siya.