
Nagulantang ang mundo ng showbiz sa pagpanaw ng character actor at dating naging bf ni Kapamilya actress Bea Alonzo na si Mico Palanca.
Si Bea ang isa sa sikat na showbiz personality na nakarelasyon ni Mico mahigit sampung taon na ang nakakaraan.
Sa mga inisyal na ulat ay na sumabog kagabi, natagpuan umanong patay si Mico matapos diumanong tumalon sa mataas na palapag ng isang townhouse sa San Juan City.
Bagama’t wala pang kumpirmasyon ang balita ay bumuhos na ang pakikiramay sa namayapa sa social media.