SHINee first online concert sa April

Dahil sa pandemic, trend na ang virtual concert kaya naman gaganapin ang first online concert ng SHINee sa April.

Inanunsiyo ng grupo na ang “SHINee: SHINee WORLD” ay ilalabas sa online performance platform “Beyond Live.”

Ito ang unang group concert ng SHINee matapos ang tatlong taon.

Gaganapin ang “SHINee: SHINee WORLD” sa April 4, 3 p.m. KST.

Ang pre-sale ng tickets ay magsisimula sa March 18.