Sharon tinawag na kahihiyan sa ‘bading nation’ ang showbiz writer

TULOY-TULOY ang galit ni megastar Sharon Cuneta sa dating kaibigan at showbiz writer na si Ronald Carballo.

Sa Facebook page ni Sharon ay isang mahabang litanya ang kanyang binitiwan laban kay Carballlo bilang reaksyon sa isang blind item ng showbiz writer.

Gigil ang aktres sa mga pasaring ni Carballo na kahit pormang blind item ang kanyang sinulat ay tumalak si Sharon at ito ang kanyang naging tugon:

“Just a “sample” of how low a former friend has gone, whose chance at a showbiz writing career was given to him by Viva Films during my promo for my first movie (which Viva, then still Vicor handled);

who became close to me because of his humility and gratefulness;

who was welcomed by even my Mommy and treated with love and kindness – and oh man – GENEROSITY from my whole family;

who was sadly swallowed by the showbiz system when he finaly experienced money and men because of his perceived “influence,” which I assume nagkaroon siya dahil sa alam ng tao na close kaming magkaibigan, therefore naging parang “authority” siya sa buhay ko as in pag all things about me, siya ang tatanungin.

Feeling ko kaya siya galit, kasi nung nawala ako sa kanya dahil nga bumaligtad ang ugali niya at natuto nang manggamit, manloko at manira ng kapwa, nawalan na siya ng kredibilidad.

Sa nagdaang napakaraming taon, sinisiraan niya ako.

Wala na pala akong saysay sa paningin niya pero ako ng ako ang sinusulat niya! I think hindi lang masama ang ugali nito.

I think he needs professional help. Kahihiyan ng bading nation ang pinagsasabi at lalo na ang mga pinaggagawa nitong taong ito.

Di ko nga alam kung obsessed sa akin o possesed!

Di naman puedeng single white female sya kasi di naman sya babae o tomboy.

Chaka kung tatawagin ko syang babae, lalaki, tomboy o bakla, nakaka-offend sa lahat ng kasarian eh!

Sino ba naman ang may gustong may kasanib na ganyan? Buhay na buhay ang Diyos.

Napakaitim ng budhi mo.

WALA KANG UTANG NA LOOB.

Di ko ugaling manumbat.

Pero di mo ba naisip na kung di ka lang sana nagbago at close tayo mula noon hanggang ngayon, kung gano na sana UMASENSO AT GUMANDA ANG BUHAY MO?

Humanda ka.

Binaboy mo kami ng mga anak ko.

Lalo ang panganay ko.

IBANG USAPAN NA ITO.

KAHIT MAUBOS LAHAT NG IPON KO… basta HUMANDA KA… Ronaldo C. Carballo.”