Sharon nagtampo kay KC

Sharon KCHalata ang sama ng loob ni megastar Sharon Cuneta sa kanyang panganay na si KC Concepcion sa hindi pagpunta nito sa kanyang birthday tribute noong Linggo, January 5.

Si KC ay anak ni Sharon Cuneta at unang asawa na si Gabby Concepcion.

Naging emosyonal si Sharon dahil dapat ‘apat’ ang anak niya na present sa ASAP Natin ‘To.

Patutsada pa ni megastar, dapat tularan nina Frankie, Miel, at Miguel sina Sarah, Regine at Judy Ann na mabubuting anak kaya ‘blessed’ ang mga ito.

Ilang oras matapos ang variety show, nag-post si KC sa kanyang Instagram account ng birthday message sa kanyang ina at hindi umano ito nakadalo dahil sa ‘personal reasons’ na lalong ikinasama ng loob ni Sharon.

“My Dearest Kristina, Thank you for posting this. I would have loved it most if I could have had a tight hug and heard a “Happy Birthday, my Mama. I love you.” Or a beautiful heartfelt card like those you used to write me. Or a phone call. I even would’ve settled for a private text message,” sey ni Sharon sa kanyang Instagram patungkol kay KC.

Hindi man alam ni Sharon kung ano ang nangyayari kay KC ay patuloy daw niyang ipinagdadasal ang kapakanan nito.