Sharon may secret trip

Bumiyahe si megastar Sharon Cuneta pero hindi niya binanggit kung sa loob o
labas ng bansa ito pupunta.

Ang pagbiyahe ng aktres ay kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram account.

Sharon Cuneta
Sharon Cuneta (IG)

May caption ang picture ni Mega ng ganito: Quick secret escape.

Nagpaabot naman ng mensahe sa nasabing post ng aktres ang ilang kaibigan katulad nina Judy Ann Santos, Ogie Alcasid at mga followers sa kanyang IG.