Sharon hinanting ang nagbanta ng masama kay Frankie

Inubos ni Megastar Sharon Cuneta ang buong Sabado nito sa panghahanting sa isang lalaking nagpakilalang DDS na nagpahayag ng intensyong gawan ng masama ang anak nitong si Frankie Pangilinan.

Nauna rito ay isang post ang kumalat sa Facebook ng isang Sonny Alcos at nagsasabing “Pasalamat ka iha, kung ang edad ko 12 yr. magtago kana sa tatay mong senador Kiko matsing Pangilinan dahil hahanapin kita para gahasain. Tapos sisihin mo tatay mo dahil hindi ako makukulong.”

Rumesbak naman si Mega sa kanyang FB account at ito ang kanyang banta sa nagngangalang Sonny Alcos.

“I’ve spent ALL DAY CALLING PEOPLE. You better get ready. MAN OH MAN. YOU’RE IN TROUBLE YOU F*****G R@P1$T!!! (You may just be in London, I see. Still checking and following up on your employer! Apparently on the right track…WATCH ME.)”