Sharon Cuneta pinahiya ang showbiz writer

Giyera mode si Megastar Sharon Cuneta dahil kasabay ng pang-aaway nito sa lalaking nagpahayag ng kagustuhang halayin ang anak nitong si Frankie Pangilinan ay nakuha pa ng aktres na makipag-away sa isang showbiz writer.

Mababasa ang mahabang hanash ni Megastar sa kanyang FB page laban sa sa entertainment writer/columnist na si Ronald C. Carballo.

Ganito ang nakasaad sa FB page ni Mega :

RONALD C. CARBALLO! ETO AT NAGLALABASAN NA ANG IBA PANG WINALANGHIYA MO! Pati ba naman Via Mare?!

Malas mo lang – ang may-ari ng Via Mare Franchise na pinuntahan mo ay ang super close friend ko, Ninang ni Miel, Music Researcher and then Executive Producer ng The Sharon Cuneta Show ng ilang taon after Direk Olive Lamasan, Producer ng ilang albums ko including Sharon Sings Alcasid, the 10 times Platinum Award-Winning “Isn’t It Romantic” and “Isn’t It Romantic Vol. 2” and Co-Producer of “The Mega Event” and “My 40 Years” at the Araneta Coliseum, at marami pang iba!

Eto ang kakasulat lang niya sa akin.

Hahaha eh matagal mo nang ginagawa ito!

Noon pa nakakarating na sa akin itong gawain mo pag nalilibre ang grupo ninyo!

Basahin natin. >

From ELOISA MATIAS: eto kwento ko na nga lang sa yo. Though this happened many years ago when our Via Mare franchsie was still located in Tomas Morato, not yet the new location now in TImog.

ANyway, one morning he messaged me and said magpopost daw sya kasi (this was a tuesday) and kumain daw sya sa Via Mare and bulok daw ang kare kare.

Sabi ko I didn’t know kako let me call the staff and my sister who manages it and ask what happened.

Kasi kesyo di daw nag offer na palitan ang order at pinagbayad pa sya. So bad food, bad service daw from Via Mare.

Some common friends jumped in agad and said tama daw yun na iboycott na. Agd agad, mga patolera din namna.

So anyway, ito ang kwento mga 5 days before that.

I called the staff and found out he went on a Thursday, 5 days before he posted an ordered kare kare with 2 other friends. wala syang comment , say lang daw nya ‘mali ang kare kare ng Via Mare kasi dapat ang buntot is buo, sa Via daw chopped, wrong way daw yun at expert daw sya na cook’, that is all he said accdg to the waiter tinake out pa nya yung natira.

THURSDAY yan. Nagpost sya TUESDAY, 5 days after saying bulok yung kare kare.

Eto ang mas juicy na kwento related dyan. My sister who manages said, several days ago, Ronald ate in via (before that day pa that he ordered Kare Kare) with group of Princess Revilla at bday daw ni Princess.

Nagkataon andun din Mr Tuviera and Eat Bulaga group and binayaran ang bill nila that was a little less than 8k.

pumunta si Ronald sa cashier and said, Mr T should not have paid for the bill, so he was asking that the cashier returned to him in cash the amount of the bill which was a little less than 8k.

Syempre my sister did not agree.

Nagalit si Ronad nagmumura at bina-bang pa yung glass ng cashier tapos ayun na after mga 2 days bumalik sya sa Via kumain ng kare kare then siniraan kami after 5 days saying bulok daw ang kare kare. ang nakakatawa when I replied to his post, I nentioned about the 8k and Mr T, he erased nmy post and blocked me, along with the other friends who said, that kare kare nabubulok after several days kasi may gulay. blinock nya din lahat yun.

pero wag ka, dahil obviously wala namna naninwala sa knya, kare – kare was the best seller of Via for the next 3 weeks after he posted.

People who saw his post would go to Via, order kare-kare, post about it and tag me saying, ‘ang sarap ng kare-kare ng Via, hindi at all bulok’ so ayun lakas ng benta nun.

Hahaha Kasunod ng mahabang ibinahaging usapan ni Sharon at sinasabi nitong kumare ay ganito ang kanyang sinabi.

“O, RONALD C. CARBALLO, IKAW NA IKAW LANG ANG PUEDENG TINUTUKOY NI ATE GINA DITO! NAKAKAHIYA KA TALAGA. YUCK!”