Sharon Cuneta nagpapayat para sa inorder na damit abroad

Nakakatuwa naman si Megastar Sharon Cuneta na nag-share ng kanyang video habang nag-e-exercise.

Sakay ng thread mill si Sharon ay ikinukuwento nya sa video kung bakit nya naisipang mag-exercise.

View this post on Instagram

Kainiiiiis!!!😂❤️🙏🏻

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

Ayon kay Mega unang dahilan ng pag-e-ehersisyo nya ay para sa benepisyo ng kanyang kalusugan.

Pangalawa ay para anya mabawasan ang kanyang timbang dahil umorder sya mga damit sa abroad kaya kailangang magkasya ang mga ito sa kanya.

Inamin din ni Sharon na mahaba-habang panahon na hindi nya nagagawang mag-exercise.

Well abangan na lang natin kung wagi si Mega sa kanyang misyon.