Sa mga tagahanga ng dating couple na sina Megastar Sharon Cuneta at dating matinee idol na si Gabby Concepcion, may pa-Valentine’s sa inyo ang Cultural Center of the Philippines (CCP).
Ito ay dahil ipinalalabas sa CCP mula kahapon, Valentine’s Day hanggang ngayong araw, Pebrero 15 ang isa sa kinakikiligang pelikula ng pinakasikat na loveteam noong dekada 80.
Ang pelikulang ‘Dear Heart’ na pinagbibidahan ng mga magulang ni KC Concepcion ay mapapanood ng libre sa CCP.
Simple lang ang gagawin, magtungo sa CCP Media Arts Division dahil ito ay “first come, first served” basis ito kaya dapat magpunta nang maaga.
Maliban sa movie nina Sharon-Gabby ay ipinalabas din kahapon, mismong Araw ng mga Puso ang pelikulang pinagtambalan nina Lovi Poe at Paulino Avelino na ‘Sana Dati.’