Sinabayan ni Megastar Sharon Cuneta at mga anak na sina Frankie at Miel
Pangilinan ang bagsik ng kakaalis na bagyo dahil sa kumalat na sexy photo ng mag-iina.
Sobrang ganda at sexy ng mag-iina sa nasabing post na nilagyan ng caption ni Mega na: Seems like forever ago.
Ayan na puede na i-post at natakpan na ang dapat! Hahaha! Good morning! Thanks so much, Lynn! Miss & love you!
Repost from @megatitas
Dinagdagan pa ito ng ganitong caption: Here you go, curious Sharonians! No need to offer me money to see this photo, okay? Haha.
May ilan namang nangantiyaw kay Mega at sinabing mas maganda ito sa mga anak.