Shamcey Supsup nag-donate ng 100,000 meals sa kanyang birthday

Shamcey Supsup birthdayPinagdiwang ni beauty queen Shamcey Supsup ang kanyang 34th birthday sa pamamagitan ng pagdo-donate ng mahigit 100,000 meals para sa mga frontliners at stranded citizens.

Nag-celebrate si Shamcey ng kanyang birthday nitong May 16, kaparehong araw na ibinaba sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila.

Gustuhin man ng beauty queen na magkaroon ng party, ay isinantabi na lamang niya ito.

“As much as I want to throw a party with my family and friends, I still think everyone’s safety is the main priority.”

Binahagi na lamang ng Miss Universe Philippines National Director ang kanilang proyekto kasama ang Byaheng Busog, ang food business nila ng kanyang asawa na si Lloyd Lee.

“Thank you to our friends, sponsors, donors and partners, together with @byahengbusog we were able to give out 100,000 meals to date to our frontliners, skeletal workforce and stranded kababayans.”

Aniya, ito ang kanyang ‘best birthday gift ever.’