Shaman King reboot

Magkakaroon ng reboot ang popular anime show ‘Shaman King.’ Ayon sa kanilang official website, ang ‘completely new animation’ nito ay ipapalabas sa April 2021.

 

Ia-adapt nito ang 35 volumes ng manga ni Hiroyuki Takei, na nagsimula noong 1998 hanggang kinansela noong 2004.

Noong inadapt itong anime noong 2001, naiba ang storyline nito sa original manga dahil ang chapters nito ay serialized.

Ang ‘Shaman King’ ay kuwento ni Yoh Asakura na nakikipag-compete sa isang semi-millennial tournament para maging Shaman King.