WINNER ang Queen of All Media na si Kris Aquino dahil nagkahiwalay man sila ng super tangkad at basketbolistang si James Yap ay may dalawa pa itong kasama habang buhay na mga six footer.
Ito ay ang dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby.
Ibinahagi ni Kris sa kanyang Instagram account ang dalawang anak na tila nagpapatangkaran.
Sabi ni Kris si Joshua ay may taas na ngayong 6’2 habang ang bunso nitong si Bimby ay 6 footer na.
Kaya naman pagdating aniya sa ay susukatin nya uli ang height ng mga anak at titingnan kung magkasingtangkad na ang magkapatid.
Ibinahagi ri ni Kris sa kanyang mga follower ang sikreto sa pagpapalaki ng mga anak lalo na ang pagpapainom sa mga ito ng gatas.