Sexbomb nag-reunion para sa COVID-19 fund raising

Nag-reunion sina Rochelle Pangilinan at ibang pang miyembro ng SexBomb Girls para sa online fund raising ng COVID-19 frontliners.

Kasama sa reunion ay sina Rochelle, Jopay Paguia, Izza Trazona, Weng Ibarra, Yvette Pabalan, at Monic Icban.

Inupload ni Rochelle ang kanilang 37-minute video call sa kanyang YouTube channel nitong Lunes, April 27.

Isa sa highlights ng kanilang reunion ay nang kinanta ni Yvette ang “Tahanan” na isa sa featured song ng kanilang TV drama anthology “Daisy Siete.”

Ang malilikom ay ipambibili ng face masks at personal protective equipment (PPE) ng mga frontliners.