Maaring kasuhan ayon kay Senador Richard Gordon ng kasong katiwalain ang dating hepe ng Philippine National Police na si Police General Oscar Albayalde, dahil sa umano’y kontrobersiyal na ‘ninja cops’ na may kaugnayan sa illegal drug operation ng mga tauhan nito sa Pampanga noong 2013.
“He is liable for anti-graft and that would be up to Ombudsman or DOJ (Department of Justice)… by reason of his seniority, his moral superiority, his competence,” ani Gordon matapos ipresinta ang draft report ng blue ribbon and justice committees na kanyang pinamumunuan.
Ang komite ang nagsagawa ng imbestigasyon sa naturang drug raid kung saan noon ay pinuno si Albayalde.
Dahil sa salto ay maari umanong maharap si Albayalde sa paglabag sa Section 3 (a) ng Republic Act or the Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
“He believed solely on Police Major Rodney] Baloyo IV’s report alone,” sabi ng senador.
Kabilang sa bumubuo ng kontrobersiyal na drug operation ay sina Police Major Rodney Baloyo ay sina:
• Senior Inspector Joven de Guzman Jr.;
• Senior Police Officer 1 Jules Maniago;
• Senior Police Officer 1 Donald Roque;
• Senior Police Officer 1 Ronald Santos;
• Senior Police Officer 1 Rommel Vital;
• Senor Police Officer 1 Alcindor Tinio;
• Senior Police Officer 1 Eligio Valeroso;
• Police Officer 3 Dindo Dizon;
• Police Officer 3 Gilbert De Vera;
• Police Officer 3 Romeo Guerrero Jr.;
• Police Officer 3 Dante Dizon; at
• Police Officer 2 Anthony Lacsamana Ang mga nabanggit ay pawang miyembro ng Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force of the Pampanga Provincial Police Office.