Senador, congressman rumampa matapos magpa-COVID test, nagpositibo!

Koko Pimentel MMCIsa pang senador ang nagpositibo sa coronavirus.

Ito ay si Senador Koko Pimentel na nalaman lamang umano ang resulta nitong Marso 24 matapos tawagan ng RITM.

Nasa Makati Medical Center ang senador nang ipaalam ng RITM ang resulta ng kanyang COVID test.

Kaya naman labis-labis ang galit na inabot ng senador sa netizens dahil inilagay umano nito sa peligro ang ospital gayundin ang kanyang maybahay na manganganak.

Si Pimental ay nagpa-COVID test noong Marso 20, 2020, ayon sa inilabas nitong statement.

Marso 24 nang magtungo ito sa Makati Medical Center para samahan ang misis na si Kathryna na manganganak at hindi pa natatanggap na resulta ng kanyang COVID test.

“Since the last day of session March 11, 2020 I had already tried my best to limit my movement. I will call (to the best of my ability) those I remember meeting during those crucial days so that I can inform them of my test result,” ayon pa kay Pimentel.

Maliban kay Pimentel ay umaming nagpositibo rin sa COVID-19 si ACT Party-list Congressman Eric Yap.

“It is with a heavy heart that I share to all of you that I tested positive for coronavirus. Nagpa-test ako noong March 15 at ngayong araw, 10 days after, nakatanggap tayo ng tawag mula sa DOH upang iparating sa akin ang resulta,” ani Yap sa inilabas niyang statement nitong March 25.

Si Yap ang House appropriations committee chair kaya nagpakalat-kalat ito sa ilang mahahalagang aktibidad ang Kamara bago natanggap ang resulta ng kanyang COVID test nitong Marso 25.

Namataan din si Yap sa special session sa Kamara noong Lunes, Marso 23 kung saan ay isa siya sa nagdepensa sa iginawad na special power kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagtungo rin si Yap sa Malacanang kasama ang ilang mambabatas kabilang si House Speaker Alan Peter Cayetano para talakayin ang igagawad na noon ay special power ng Pangulo.

“Humihingi ako ng patawad at pag-unawa mula sa mga taong nakasalamuha ko,” dagdag niya.