Sen. Sonny Angara pangatlong senador na nag-positibo sa coronavirus

Sonny Angara coronavirusNapag-alaman ni Sen. Sonny Angara na positibo na rin siya sa novel coronavirus, ngayong Marso 26, 2020.

Nakakaramdam na sya ang mga sintomas katulad ng lagnat, ubo, sakit ng ulo at panghihina, ayon sa senador.

Ipinabatid din ng senador na simula noong Marso 16, 2020 ay hindi na siya nakipaghalubilo sa publiko.

Ang iba pang senador na kasama ni Angara na nag-positibo sa coronavirus ay sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III.