Sen. Migz Zubiri inamin kung paano nag-positive sa COVID-19

Migz Zubiri CoVid-19Inamin kahapon ni Senador Miguel Zubiri na positibo ito sa coronavirus.

“To my dear fellow Filipinos, my Kababayans. It is with sadness that i announce that I am positive for Covid-19,’ pag-amin ng Senador.

Ani Zubiri sumailalim siya sa pagsusuri noong Biyernes sa coronavirus test habang nasa self quarantine.

“…and this afternoon I received a call from Sec. Duque on my condition. My heart sank with what he had said but Im uplifted with the fact that i am asymptomatic and have no fever or cough nor am i weak or have any headaches,” giit pa ni Zubiri.

Sinabi pa ng senador na kauna-unang umaming tinamaan ng COVID-19 na nagdesisyon siyang mag-self quarantine nakaraang Miyerkoles ng gabi matapos ang sesyon sa Senado.

“ …the best decision I made and could have protected my Family from contamination,” anang senador.

Isa aniya sya sa maagang nagpahayag ng suporta sa mga hakbang na ipinatutupad ng pamahalaan para malabanan ang virus pero nadale pa rin siya.

“I was very careful in my dealings with people at work in the Senate. I practiced social distancing as well as a no handshake policy but yet I got contaminated. How, I do not know. This just goes to show how easily this virus is spread and therefore it is best for everyone to stay home and stay clean,” sabi pa ni Zubiri.

Dahil sa lagay mananatili umanong isolated ang Senador hanggang sa susunod na 10 araw bago muling sasailalim sa COVID-19 testing.

“I hope my coming out will show how dangerously infectious this virus is. Sa aking mga Kababayans, makinig po tayo sa mga babala nang gobyerno at wag na po kayo lumabas sa inyong mga tahanan,” ani Zubiri.