Sen. Koko positibo sa coronavirus

Kinumpirma ni Senator Aquilino Pimentel III na nagpositibo siya sa coronavirus, at humihingi ng dasal sa agarang paggaling at para sa kanyang asawa na malapit ng manganak.

Ayon kay Pimentel, nagpa-test siya nitong Marso 20, at natanggap ang resulta Martes ng gabi.

Dagdag pa ng senador, nag-self quarantine na siya simula ng huling sesyon nitong Marso 11, 2020 at nilimitahan ang kanyang mga aktibidad.

Si Pimentel ang ikalawang senador na tinamaan ng virus, matapos magpositibo ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri nitong Marso 16.