Sen. Koko kinasuhan sa DOJ

Koko Pimentel DOJDahil sa paglabag sa quarantine protocol sinampahan na ng kaso sa Department of Justice si Senador Koko Pimentel dahil sa paglabag sa ipinaiiral na quarantine bunsod ng COVID outbreak.

Kasong paglabag sa RA No. 11332 at mga regulasyon na itinakda ng Department of Health ang isinampa ni Atty. Rico Quicho na kanyang ipinadala sa pamamagitan ng email sa DOJ.

Nais ng abogado na panagutin sa batas si Senador Pimentel dahil sa paglabag nito sa quarantine protocol nang magpunta sa Makati Medical Center kahit pa may sintomas ito ng COVID-19.

Ginamit na reference ng abogado ang petisyon sa change.org na may 200,000 signature na nagkakaisang nanawagan para panagutin si Pimentel dahil sa pagpapahamak nito sa mga healthcare frontliner ng Makati Med.

“We are one with the Filipino people in condemning negligent and reckless acts which expose the public, especially our health workers to unnecessary risks,” ayon kay Quicho sa kanyang Facebook post.

“With this, I hope the DOJ will swiftly act and pursue legal actions against Senator Koko Pimentel. We trust that DOJ will be true to its commitment to the Filipino people to uphold the rule of law without fear or favor.”