Sen. Kiko may Kdrama-inspired wedding anniv greeting kay Sharon

Nag-ala Captain Ri at Yoon Seri sina Senator Francis “Kiko” Pangilinan at Sharon Cuneta sa 24th wedding anniversary nito.

Sa anniversary greeting ni Sen. Kiko, naka-edit ang mukha nila sa lead stars ng Netflix series na Crash Landing On You — na favorite K-drama ni Sharon.

Kiko Sharon KDrama

“Happy 24th Wedding Anniversary, to my sweetheart! I love you dearly  hahaha,” post ng senador sa kanyang Instagram nitong Martes.

Nagpasalamat naman si Megastar sa ‘best flowers’ na kanyang natanggap.

“At dahil may ECQ imbes na malaking bouquet ng bulaklak ang bigay niya sa akin, CHICHARON BULAKLAK ang nakuha niya!!! Sabi ko ANG SAYA-SAYA KO! PINAKAGUSTO KONG BULAKLAK ITO SA LAHAT NG BULAKLAK NA BINIGAY NIYA SA AKIN! Every year ito na lang sana! Hahahahahaha! Favorite ko ito bata pa ako eh! Thank you for my FLOWERS Sutart! The BEST THIS YEAR! Hahahaha!”

Kiko Sharon wedding anniversary