Sen. Go unang tumugon sa Taal eruption evacuees

Bong Go TaalNakipag groupie si Sen. Bong Go sa ilan sa mga biktima ng lindol sa Batangas matapos silang maghatid ng relief goods ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa.

Isa si Sen. Go sa listahan ng mga opisyal ng pamahalaan na mabilis na kumilos para tulungan ang mga kababayang apektado ng pagputok ng Taal volcano.

Kasunod ng pagbisita kasama ang Pangulo ay inalam ni Sen. Go ang pangangailangan ng mga taga Batangas na halos mawalan ng tirahan at kabuhayan dahil sa pag-alburuto ng Bulkan Taal.