Sen. Cynthia at Manny Villar nanguna sa 14th Las Piñas parol festival

Matagumpay na inilunsad ang 14th Las Pinas Parol Festival bilang bahagi ng selebrasyon ng Kapaskuhan.

Ang awarding sa mga nanalong parol ay pinangunahan nina Senador Cynthia at kabiyak nitong si Manny Villar.

“Natutuwa kami at patuloy ang tradisyon ng pagpaparol sa aming syudad na kilala bilang ‘lantern capital of Metro Manila.’. Maraming salamat sa lahat ng mga sumali sa kumpetisyon at magkita-kita ulit tayo sa susunod na taon,” ayon sa mag-asawang Villar.

Nagpaabot din ng pagbati ang mag-asawang bilyonaryo sa mga nanalo sa kumpetisyon.