Sen. Bong Go bantay-sarado sa dagdag-sahod ng nurses gov’t employees

SAP Bong Go nursesNangako si Sen. Bong Go na kanyang tutukang maipasa ang mga panukalang batas na magbibigay ng dagdag na sahod sa mga nars, kawani ng gobyerno at mga barangay officials.

Sinabi ni Sen. Go na ngayong 2020 ay tututukan nya ang pagsasabatas sa nasabing mga batas dahil naipangako na niya ito noong pang halalan.

Nais ng bagitong senador na masuklian ng tama ang serbisyo sa bayan na ipinagkakaloob ng mga empleyado ng pamahalaan, mga barangay official at mga nurse.

“Long overdue na po itong mga salary increase ng mga nurse at ng mga kawani ng ating pamahalaan at matagal na po nila itong inaantay,” ayon kay Sen. Go.

Prayoridad din ni Go ang panukalang batas na magbibigay ng suweldo sa mga opisyal ng barangay.

“Ang mga barangay officials po ang ating first line of defense sa mga krimen at mga sakuna sa kani-kanilang nasasakupan kaya nararapat lamang na bigyan din sila ng compensasyon” sabi pa ni Go.

Kasama rin ang dalawang inihaing panukalang batas ni Sen. Go na pagtatatag ng Department of Overseas Filipino Workers (DOFW) at Department of Disaster Resilience ay proyoridad din nito.