Sen. Bato sinampolan ng US bago mag-bday

Ronald 'Bato' dela Rosa US VIsaLumbay si Senator Ronald dela Rosa matapos malamang kanselado na ang kanyang US visa, isang araw bago siya mag-celebrate ng kaarawan.

Sabi ni Dela Rosa sinagot na ng United States Embassy ang kanyang katanungan sa isyu ng kanselasyon ng US visa.

“Yes. They officially answered my official query,” ani Dela Rosa at inaming natanggap ang opisyal na tugon ng embahada noong Enero 10, ilang araw bago ang kanyang birthday.

“I received their official answer, the day before my birthday, January 20. What a good birthday gift, informing me that my visa is no longer valid for travel to the United States,” sabi ni Bato.

Ang expiration ng US visa ni Bato ay sa 2022 pa.

Naniniwala ang senador na may kaugnayan sa giyera kontra iligal na droga ng gobyernong Duterte ang desisyon ng US