SELF-QUARANTINE NG MGA STARS: Ellen DeGeneres nangulit sa mga famous friends

Super bored na ang popular na television talkshow host na si Ellen DeGeneres kahit halos nag-uumpisa pa lamang ang kanyang self-isolation sa gitna ng coronavirus (COVID-19) pandemic.

Sa kanyang Twitter account na “The Ellen Show,” nagpost ng kanyang video si Ellen habang nakahiga sa sofa ng kanyang bahay at pinagtatawagan ang mga sikat niyang mga kaibigan tulad ng mag-asawang John Legend at Chrissy Teigen, mag-asawang Justin Timberlake at Jessica Biel gayundin ang Maroon 5 lead singer na si Adam Levine.

Sa kanyang pakikipag-usap kina John at Chrissy, sinabi ng mag-asawa na nakikipaglaro lamang sila sa kanilang mga anak at ito’y ikinainggit ni Ellen.

Nasabi tuloy ni Ellen na sana’y may mga anak din siya dahil sobrang bored na siya.

“I wish I had kids right now, I’m so bored,” sabi ni Ellen habang kausap si Chrissy Teigen.

Sunod na tinawagan ni Ellen sina Timberlake at Biel.

“Justin? What are you doing?”

“Nothing,” sagot ni Timberlake kasunod ay bumati rin sa host si Biel na nagsabing wala rin siyang ginagawa.

Nang tawagan naman ni Ellen si Levine, sinabi ng singer na nagba-bonding lang siya kasama ng kanyang pamilya.

Si Adam ay may dalawang anak na babae sa kanyang asawang supermodel na si Behati Prinsloo.

Nauna rito, dahil sa pagkainip ay tinangka rin ni Ellen na bumuo ng 4,000-piece na jigsaw puzzle pero habang binubuo niya ito ay naisipan niyang bilangin ang puzzle at nadiskubreng kulang ito ng isang piraso.

“Well, guess what? I attempted to do the puzzle — because when I set out to do something I finish it. I counted the pieces — there’s only 3,999, there’s not 4,000 pieces. I don’t know about you, but when you get to the end of the puzzle and you feel so good and accomplished but then there’s one piece missing, it’s not fun. It’s not fair. So yeah, I’m not going to do it,” ayon pa kay Ellen.