Secretary Bello naagawan ng cellphone sa teritoryo ni Isko

TIYAK na ikakagalit ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagkakadale kay Labor Secretary Silvestre Bello ng mga naglipanang kawatan.

Sa ulat, Biyernes nakaraang Linggo nang dagitin ang cellphone ni Sec. Bello sa bisinidad ng Manila City Hall at Mehan Garden.

Kaya naman nitong Linggo ay puspusan ang follow-up operation na isinagawa ng Manila Police District at nasakote ng mga elementeo ng Ermita Police Station ang mga suspek na sina Clarence Arevalo at John Paul Laurente Sunga sa follow-up operation sa Elisondo Street Quiapo, Manila.