Sean ‘James Bond’ Connery pumanaw na

Pumanaw na ang James Bond actor na si Sean Connery nitong Oktubre 31 ( sa Pilipinas).

Base sa ulat ng BBC, si Sean ay 90 anyos nang bawian ng buhay habang natutulog umano sa Nassau, Bahamas.

Pitong beses na ginampanan ni Sean ang pagiging 007 at naging kauna-unahang gumanap na James Bond sa ‘Dr. No’ noong 1962.