Seafood KADIWA on Wheels, hatid ay sariwang isda sa abot kayang halaga

Sariwang mga isda sa abot kayang halaga ang hatid ng Seafood KADIWA ni Ani at Kita on Wheels sa gitna ng enhance community quarantine (ECQ) na ipinapatupad hindi lamang sa CALABARZON kundi sa buong Luzon.

KADIWA on wheels

Unang inilunsad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 4A ang KADIWA on Wheels noong ika-16 ng Abril 2020 sa Community Fish Landing Center (CFLC) sa Barangay San Antonio, Bay, Laguna upang magkaroon ng sentrong pamilihan ang mamamayan at patuloy na maihatid ang mga serbisyon nauukol sa pangisdaan.

Ang Seafood KADIWA on Wheels sa CFLC ay pinamahalaan ng Bay Federation of Fisherfolk o BFF-Bay na siya ring namamahala sa pagpapatakbo ng CFLC.

Ang grupo ay nakapagbenta ng 460 kilo ng mga isda: 150 kilo Tilapia, 250 kilo Bangus, 50 kilo Galunggong at 10 kilo Tinapa sa unang paglulunsad nito.

Ayon sa BFAR 4A, isang nakakatuwang pangyayari sa paglulunsad ng Seafood KADIWA on Wheels ay ang tuloy-tuloy na merkado sa CFLC ng Bay, Laguna.

Sa kabuuan ang Seafood KADIWA on Wheels ay nakapagbenta sa CFLC ng 799 kilo ng mga isda mula April 16, 2020 hanggang April 23, 2020.

Kabilang sa mga isdang naibenta ng grupo ay: 140 kilo ng Tulingan, 250 kilo ng Bangus, 150 kilo ng Tilapia, 179 kilo ng Galunggong, 70 kilo ng Tinapang Tamban at 10 kilo ng tuyong Dilis.

Source: Carlo P. Gonzaga, Philippine Information Agency, April 28, 2020