Box office kung ikukumpara sa dami ng nanood ang opening ng 30th Southeast Asian Games na ginanap sa Philippine Arena nitong Sabado, Nobyembre 30, 2019.
Sa ulat halos mapuno ang 55,000-seater ang capacity ng venue matapos na ilibre ito sa publiko.
Gayunman ay wala pang opisyal na bilang ng mga dumalo na inilalabas ang Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) na nangasiwa sa SEA Games.
Nabatid na nagbukas ang gate sa PH Arena ng alas-3:30 ng hapon pero ini-lockdown ng alas-5:00 ng hapon sa pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte na siyang nagdeklara ng pormal na pagbubukas ng SEA Games.
Ayon sa organizers, itinuturing itong pinakamalaking produksyon sa kasaysayan ng SEA Games.
Pinangunahan naman ni world boxing champ Manny Pacquiao at Nesthy Petecio ang pagpapailaw sa kontrobersiyal na cauldron sa New Clark City na ipinakita sa pamamagitan ng LED screen.
Si Lani Misalucha naman ang nanguna sa pag-awit ng Lupang Hinirang na kinabiliban ng marami.
Nakadagdag pa ng sigla ng opening ng SEA Games ang pagtatanghal ng mga local artist na kinabibilangan nina Filipino-American rapper apl.de.ap, KZ Tandingan,Iñigo Pascual,, Elmo Magalona at marami pang iba.