Scarlet Snow Belo may mensahe sa mga first timer

Maliit, paslit, bata.

Ganyan natin madalas ilarawan ang mga batang katulad ng anak ng celebrity doctor na si Vicki Belo na si Scarlet Snow.

Pero sa kabila ng murang edad ng batang si Scarlet ay may mga aral nang maaring matutunan sa kanya ang mga katulad niyang paslit at maging sa ilang may edad na walang disiplina sa sarili.

Sa isang post sa Instagram na ibinahagi ng celebrity doctor ay makikita ang video kung saan ay nakagayak ang mag-ina para sa isang lakad.

Sa kuwento ni Scarlet sa video ay manonood daw sila ng pelikulang ‘Frozen 2’.

Aligaga ang bagets na umalis na dahil first time daw niyang manood kaya dapat ay maaga silang lalakad.

Sabi ng bagets ‘ I have to be early because it’s my first time.’

Ipinakita ng bata ang kahalagahan ng pagiging on time sa mga gagawin na sa ngayon ay bihira nang taglayin ng kahit may mga nasa tamang edad na.

Natuwa ang netizens sa nasabing post ni Dra. Belo na umani na ng mahigit sa 100K views.