SB19 inakusahang racist sa ‘Negros’ tweet

sb19Ilang netizens ang inakusahan ang Filipino boyband na SB19 matapos ang ‘racist’ tweet umano nito.

Ang SB19 ang kauna-unahang Pinoy group na prino-promote ng isang Korean Entertainment agency, ay nag-concert sa Negros Occidental sa Visayas.

“Hello, Negros! We are now in your zone! Excited na kami sa mga mangyayari sa aming first stop for our nationwide tour #SB19inNegros #SB19 #SB19_JOSH #SB19_SEJUN #SB19_STELL #SB19_KEN #SB19_JUSTIN,” ang tweet sa official Twitter account ng grupo noong December 21.

Nagkaroon ng kalituhan ang ilang netizens na hindi pamilyar sa lugar.

Retweet ni @dojadrip sa ‘racist’ post di umano: “imagine stanning racist asians.”

Ilang fans naman ang ipinagtanggol ang kanilang boygroup.

Sey ni @LOVERSng_, ““Hello everyone! We, A’TIN (SB19’s official fandom), would like to clarify that Negros is a place here in the Philippines. This post is not in any way racist. We hope that we can clear this misunderstanding. Thank you and good day!”

Sumikat ang grupong SB19 sa kanilang kanta na “Go Up” na tunog K-pop.