Umabot na sa Koreaboo.com, isa sa pinakamalaking Korean news website for English speakers, ang ‘sasaeng’ joke ni actress-singer Arci Muñoz sa Kpop boyband na BTS.
Ayon sa ulat, hindi nagustuhan ng ARMYs, fans ng BTS, ang sasaeng joke ni Arci na proud pa niyang sinabi sa kanyang vlog.
Naungkat din ang ‘problematic things’ na ginawa ni Arci bilang BTS fan katulad ng ‘solo stan’, at paggamit ng multiple accounts para manalo sa raffle ticketing method sa concert ng BTS sa Seoul na mahigpit na pinagbabawal.
Sa ngayon nakakuha na ng 2.4k comments at 3.2k shares ang nasabing article sa Facebook ng Korean news site.