Binati ni Kapamilya singer Sarah Geronimo ang kanyang asawa na si Matteo Guidicelli gamit ang social media account ng huli.
Sa Instagram, makikita ang sweet birthday message kasama ang childhood picture ni Matteo.
“Happy Birthday to my loving and caring husband!! Kamukha mo si Lucho dito!!” sey ng Pop Princess, na tinutukoy ang anak ni celebrity couple Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.
Ito ang unang birthday ni Matteo bilang asawa kay Sarah matapos silang ikasal noong nakaraang buwan.