Sarah, Richard wedding kanselado sa coronavirus

Ayaw mapahamak ng couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ang kanilang mga bisita sa itinakdang kasal bukas, Marso 14,2020 dahil sa paglaganap ng Coronavirus sa buong mundo.

Kaya ipinagpaliban ng sweetheart ang kanilang kasal dalawang araw bago ang takdang araw ng kanilang pag-iisang dibdib.

Sarah Richard wedding cancelled

Narito ang opisyal na statement ng couple kaugnay sa desisyong kanselahin ang kasal.

“As much as we want to celebrate our love with our family and friends, in light of the recent situation we have decided to postpone our wedding as we do not want to put anyone at risk. Thank you so much to those who flew in and to everyone who worked so hard for our special day. We only wish good health for everyone and we hope to celebrate with you as soon as things get better. Much love, Richard & Sarah.”

Hinangaan naman ang couple sa kanilang desisyon habang may ibang hindi ito nagustuhan at nagrekomendang isang simpleng seremonya na lamang dapat ang idinaos.